alamat ng pinya

Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling shaina at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling shaina ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.

Isang araw inutusan ni aling shaina ang kanyang anak na si pinang na magluto para sa kanya dahil siya ay nagka sakit at di makagalaw . Isang araw sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang pangsindi kaya napilitan siyang tanongin ang kanyang ina at agad din nitong ikinabangon kahit masama ang pakiramdam nito. Isang araw din may hinanahanap din siyang bagay na nhinmdi rin niya makita at agad siyang nagtanong sa kanyang ina at sunod sunod na araw niyang pagtatanong nainip sa kanya ang kanyang ina at nasambit ang sakitang "naku pinang hindi bibig ang ginagamit sa paghahanap kundi mata sana nagkaroon ka nalang ng maraming mata para makita mona lahat yong mga pinaghahanap mo".

Dahil alam niyang galit ang kanyang ina umalis si pinang ng walang paalam sa kaniyang ina nag gabi na pero wala pa rin si pinang tinawag ni aling shaina ang kanyang anak pero walang sumagot  kaya napilitang bumagon ito at hanapin ang kanyang anak.

Pagkaraan ng ilang araw magaling na si aling shaina at  agad niyang hinanap si pinang, pinag tanong tanong niya ito sa kanyang mga kapiyt bahay pero ni isa walang nakaka alam kong nasaan si pinang. Puimunta siya sa kanilang bakuran nagbabaka sakaling naroon si pinang, ngunit isang halaman ang kanyang nakita at siya ay namangha sa kaniyang nakita ito ay hugis ulo ng tao at napapalibutan ito ng maraming mata hanggang sa napa upo nalang si aling shaina at walang kibo at bigla niyang naisip ang kanyang huling sinabi sa kanyang anak na si pinang na sanay magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang mga hinahanap. tahimik na nanangis si aling shaina at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak.Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag itong Pinang, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya.

Comments

Popular posts from this blog

alamat ng bundok apo

alamat ng manga