Posts

Showing posts from July, 2017

Alamat ng Rosas

Noong unang panah0n ay may isang magandang dalaga mula sa malayong bayan ng Tarlac na Rosa ang pangalan.Bukod sa iwing ganda ay nakilala rin si Rosa na gagawin ang lahat para mapatunayan ang tunay na pag—ibig.Ayon sa kwento nakatakda nang ikasal si Rosa kay Mario nang matuklsang may malubhang sakit ang lalaki. Sa kabila ng lahat ay pinili ng dalaga na pakasal sila para mapaglingkuran ang lalaki hanggang sa mga huling sandali ng buhay nito. Gayunman ay hindi pumayag si Mario. Anang binata ay sapat na sa kanya na baunin ang pag-ibig ng dala sa kabilang buhay.Pinaglingkuran ni Rosa si Mario. Hindi siya umalis sa tabi nito. Ang ngiti niya ang nasisilayan ni Mario sa pagmulat ng mata at ang kanya ring mga ngiti ang baon nito sa pagtulog.Ang mga ngiti rin ni Rosa ang huling bagay na nasilayan ni Mario bago panawan ng hininga.Ang mga gniti ni Rosa ay hindi napawi kahit nang ilibing si Mario at kahit nang dinadalaw ang puntod nito at pinagyayaman. Nang tanungin kung bakit hindi nawala ang n...

alamat ng saging

Image
Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging.Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging. Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa galit at hinabol ng taga si Aging. Naabutan ang braso ni Aging at ito`y naputol. Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si Juana. Pinulot niya ang putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran. Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na tumubong bigla sa kanilang bakuran. Ito`y kulay luntian , may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na animo`y isang kamay na may mga daliri ng tao. Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran. Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa kinatatayuan ng pu...

alamat ng bundok apo

Image
Ang Sibulan Sa Bundok Apo N UONG  pasimula, nabuhay ang isang lalaki lamang, si Toglai, at isang babae, si Toglibon. Ang 2 unang anak nila at isang lalaki at babae na, paglaki, ay naglakbay sa malayong-malayo upang humanap ng matitirahan.  Walang nabalita tungkol sa kanila hanggang bumalik ang kanilang mga anak, ang mga EspaΓ±ol at mga Amerkano. Pagkatapos umalis ang 2 unang anak, nagka-anak pa ng marami sina Toglai at Toglibon. Wala sa kanilang umalis, namuhay lahat sa Sibulan, sa gilid ng bundok Apo, kasama ng kanilang mga magulang. Pagkaraan ng matagal na matagal na panahon, namatay din, sa wakas, sina Toglai at Toglibon at naging mga ‘diwata.’ Hindi nagtagal pagkatapos, nagpanahon ng tuyot ( sequia, drought ) at sa luob ng 3 taon, wala kasing patak ng ulan ( lluvia, rain ) na bumagsak. Lahat ng ilog at lawa ay natuyo, at sa kawalan ng tubig, natuyo lahat ng halaman, at namatay pati mga isda a...

alamat ng manga

Image
Alamat Ng Mangga noong araw ang mga punong manggang tanim ni Tandang Isko ay pare-pareho lamang ang bunga. Ito'y maliliit at ang tawag dito ay "pahutan". Matamis kapag hinog, kaya gustong-gusto ng mga bata ang pahutan. Marami ang natutuwa kapag panahon ng pamumunga, dahil ang matandang may-ari ay hindi maramot. Minsan, may magandang dalagang sa manggahan ni Tandang Isko ay dumaan. Kusang loob na inalok ito ng mga hinog na mangga ni Tandang Isko. Sa kasiyahan ng binibini ay itinanim nito ang mga buto ng pahutan sa bukid at sa paanan ng bundok. Agad tumubo ang dalawang buto at pagkaraan lang ng ilang araw ay ganap na itong isang puno. Labis na nagtaka si Tandang Isko sa pagkakaroon ng punong mangga sa hangganan ng bukid at sa ibaba ng batuhang bundok. Balak sanang putulin ng matanda ang dalawang puno, subalit sa tuwing siya ay lumalapit, wari'y may bumubulong ng... "HUWAG PO! HUWAG MO AKONG PATAYIN." Dala rin ng panghihinayang kaya hinayaan na ...

cute

Image
πŸ’˜πŸ’˜πŸ’˜πŸ’˜

demmeng why so cute beby???/

Image
😍😍😍😍😍😍😍😘😘😘😘

alamat ng pinya

Image
Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling shaina at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling shaina ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak. Isang araw inutusan ni aling shaina ang kanyang anak na si pinang na magluto para sa kanya dahil siya ay nagka sakit at di makagalaw . Isang araw sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang pangsindi kaya napilitan siyang tanongin ang kanyang ina at agad din nitong ikinabangon kahit masama ang pakiramdam nito. Isang araw din may hinanahanap din siyang bagay na nhinmdi rin niya makita at agad siyang nagtanong sa kanyang ina at sunod sunod na araw niyang pagtatanong nainip sa kanya ang kanyang ina at nasambit ang sakitang "naku pinang hindi bibig ang ginagamit sa paghahanap...