alamat ng bundok apo
Ang Sibulan Sa Bundok Apo N UONG pasimula, nabuhay ang isang lalaki lamang, si Toglai, at isang babae, si Toglibon. Ang 2 unang anak nila at isang lalaki at babae na, paglaki, ay naglakbay sa malayong-malayo upang humanap ng matitirahan. Walang nabalita tungkol sa kanila hanggang bumalik ang kanilang mga anak, ang mga EspaΓ±ol at mga Amerkano. Pagkatapos umalis ang 2 unang anak, nagka-anak pa ng marami sina Toglai at Toglibon. Wala sa kanilang umalis, namuhay lahat sa Sibulan, sa gilid ng bundok Apo, kasama ng kanilang mga magulang. Pagkaraan ng matagal na matagal na panahon, namatay din, sa wakas, sina Toglai at Toglibon at naging mga ‘diwata.’ Hindi nagtagal pagkatapos, nagpanahon ng tuyot ( sequia, drought ) at sa luob ng 3 taon, wala kasing patak ng ulan ( lluvia, rain ) na bumagsak. Lahat ng ilog at lawa ay natuyo, at sa kawalan ng tubig, natuyo lahat ng halaman, at namatay pati mga isda a...
Comments
Post a Comment